[Q&A]
I recently had the
chance to talk with Noel Palomo about the band, the new album Tropa, Lakas Tama, his reflection on the
marketplace today, playing live and the future of Siakol.
How long have you been a musician?
[And] What’s the most memorable experience of your music career so far?
1994 kami
nabuo, 1995 naisama kami sa compilation album na Numeric Sampler 502 at1996 lumabas ang 1st album namin
na Tayo Na Sa Paraiso. Lahat naman
memorable, siguro 'yung magka-album kami at magustuhan ng tao 'yun 'yung pinaka
hindi namin malilimutan. Sobrang gusto namin ginagawa namin kaya talagang
enjoy.
Fast forward. Can you guys compare
the first Siakol gig to a gig today?
Wala namang
gaanong nabago, kung meron man siguro 'yung mga ibang bagong ideas na naisisingit
namin. Sa bawat kanta naman minsan may nababago na nailalagay kahit noon pa hindi
lang sa album kundi sa bawat kanta.
Can you tell me/us what the
difference is between your debut album Tayo
na sa Paraiso and your new album titled Tropa?
Ang kaibahan
ng album namin na Tayo Na Sa Paraiso sa
bago namin na Tropa, siguro 'yung
haba ng pagitan nila na panahon kaya medyo mas may mga malakilaking nabago sa
bawat style o tema pero sabi nila tunog Siakol pa rin daw na medyo moderno.
Can you tell me/us something about
the songs Tropa, Ituloy Mo Lang, and P.I?
Tropa, para sa mga barkadahan, marami kasi
sa ating nagpapagawa ng kanta tungkol sa
samahan at tribute ko na rin sa mga tropa ko 'yung mga kalokohan nung araw. Ituloy
Mo Lang, para sa mga tao na may kakayahan na 'di pinapansin bagkus ay
minamaliit, 'yung kanta kung
mapapakinggan mo tungkol sa mga binabae pero hindi lang para sa kanila 'yon.
Sila kasi
naisip ko na mas may malaking kaugnayan sa ganyang pangmamaliit at panlalait. P.I., 'yan ang tawag ng mga nasa ibang
bansa sa Pilipinas. P.I., Philippine Islands o
p’wede ring P.I., Pu#@%& - I%^ 'yung mura. Tungkol sa bansa natin ang kanta
na 'yan.
When you think about it, what's your rationale for why you guys sold so many records?
Napakalaking tulong sa amin ang pagtangkilik ng masa sa mga kanta namin. Siguro ramdam nila mga ginagawa kong kanta kaya halos lahat ng ilabas naming album patok sa kanila. Kaya siguro 'yung formula kung bakit maraming bumibili 'yung pagiging maingat mo sa paglikha ng kanta at dapat may aral at kasiyahan silang makukuha.
What are your reflections on the
marketplace today? How do you guys find today's music scene? Do you think that
bands are on its way out like what some critics say? Does it worry you?
Hindi naman
mawawala ang banda. Nagla-lie low pwede pa pero mawala hindi siguro. Matagal na
kaming banda para kabahan. Naranasan na naming napagdaanan na iba't-ibang klase
ang nauuso pero nandito lang kami. Rakenrol pa rin!
When you guys are playing [on stage],
what songs are the crowds really reacting to live?
Depende sa
crowd. Pero karamihan gusto nila 'yung mga mabibilis namin. Doon
kasi sila nagkakagulo, sayawan, sumasabay sa kanta,
If it all ended tomorrow, what would
be the one song that you want people to identify the band with?
Kung
magwawakas na kami bukas, marami kaming kanta na gusto naming maalala ng tao pero
kung isa lang siguro 'yung unang hit namin, Lakas
Tama, kami ay mawawala.
What are you proudest of so far? How would you like to
be remembered?
Pinagmamalaki
namin na tumagal pa rin kami at nagkakaroon pa rin ng mga kanta na naghi-hit pa
rin.
Finally, can you tell us what is in
store for the future of Siakol? Your supporters would love to hear from you.
Mga
haharapin namin ngayon at sa darating na taon, siguro 'yung pagbibigay pa rin
ng makabuluhan at magagandang musika na kahilingan ng nakararami. Pagmamahal sa
Diyos, sa kapwa at sa bayan. Kapayapaan mga kapatid!
No comments:
Post a Comment