Francis M’s Rap is Francism
Mga Praning
“Lagi kong
kinakanta ‘to sa lahat ng school presentation namin noon. Kahit ‘di pa noon
kilala masyado ang rap lalo na sa lugar namin sa Rizal.”
Bone Thugs n Harmony’s Creeping On A Come Up
Thuggish Ruggish Bone
“After
listening to this song ng sobrang daming beses, I somehow understood kung paano
nila ginagawa ‘yung rap na parang mabilis. So I tried to write my own rhymes
with the same technique in Tagalog.”
Missy Eliot’s
Supa Dupa Fly
The Rain
“Noong
narinig ko ang tunog niya with producer Timbaland, medyo nasira ang ulo ko kasi
sobrang unique at ang lutong ng mga elements kahit ‘di ganun kadami.”
Asin
Balita
“Kahit
matagal na ‘yung kantang ‘to noong pinakinggan ko nakakabilib ng sobra dahil
parang ahead of its time siya in terms of phrasing and words – hindi pinilit
ang mga letra at timing ng pagkakabigkas na minsan nating nadidinig sa ibang
songs.”
Eminem’s Marshall Mathers LP
The Way I Am
“Kinanta nya
ito sa isang awards night and doon ko unang nadinig ‘yung pagpalit n’ya ng
timing or rhythm ng rap lines n’ya parang alanganin na on point parang ganun
pero sobrang ‘mismo’. Nabaliw ako!”
Stan
“With this
song I realized na walang boundaries pagdating sa pagsulat or concepts ng mga
kanta. Parang naiwanan n’ya lahat ng ibang rappers ng at least sampung taon. Ganun
katindi para sa akin.”
Eminem’s The Eminem Show
Cleaning Out My Closet
“Natatandaan
ko nagta-trabaho pa ako sa isang mall sa Ortigas Center
at every time break ko pupunta ako sa isang record bar para pakinggan 'to sa
listening station ng paulit-ulit.
Sabi ko sa
sarili ko gusto ko ring magka-album (ng) parang si Eminem.”
USEFUL TIPS FROM THE EXPERT
RAP BRILLIANTLY
GLOC-9 HELPS YOU FIND YOUR RAP STYLE
WITH
THE RIGHT TIMING AND RHYTHM
1
Siguraduhing
gusto mong mag-rap at trip mo ang rap.
2
Kung wala ka
pang kahit anong experience sa rap humakot at makinig ng mga rap CDs. Listen to
Eminem, Kanye West, BTNH, Twista, Jay-Z, T.I, etc.
3
Minsan dapat
dumating sa point na naiintindihan mo na kung paano nila ginagawa ang mga style
na ginagamit nila sa pagra-rap. It’s all about timing and rhythm.
4
Huwag
magmadali. Araling mabuti ang mga letra to the point na kapag kinakanta o
nira-rap mo ito ay hindi mo na iniisip ang next line parang ‘domino effect’ ba.
Sa mabibilis na rap naman, aralin ng mabagal at malinaw ang rap then unti-unting
bilisan kapag kabisado at alam na alam mo na.
5
Pakinggan ng
pakinggan ang sarili. There is always room for improvement. Minsan mas nara-rap
mo ng mas maganda ang lines kung mas matagal mo na itong pina-practice. Mas may
magandang rhythm kang naiisip.
6
Always pray
before a performance. Magdasal ka na sana
hindi mo makalimutan ang lines mo. Hehehe!
No comments:
Post a Comment